IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ano ang apat na aspekto ng pandiwa?!?

Sagot :

Apat na Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay may apat na aspekto, perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo, at perpektibong katatapos.

Perpektibo

Ito ang pandiwa na naganap na, natapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Halimbawa:

  • kinain
  • tinapon
  • naglaba
  • sumulat
  • kumanta

Imperpektibo

Ito ang pandiwa na kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Dito ay inuulit ang ilang pantig ng salita at ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Halimbawa:

  • kumakain
  • tinatapon
  • naglalaba
  • sumusulat
  • kumakanta

Kontemplatibo

Ang pandiwa ay hindi pa nagaganap. Ito ay mangyayari pa lamang. Inuulit din ang ilang pantig at karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.

Halimbawa:

  • kakain
  • magtatapon
  • maglalaba
  • magsusulat
  • kakanta

Perpektibong Katatapos

Ang pandiwa naman na ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang pantig ng salita.

Halimbawa:

  • kakakain
  • katatapon
  • kalalaba
  • kasusulat
  • kakakanta

Para sa kahulugan ng pandiwa at panlapi, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/1871210

#BetterWithBrainly

Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.