Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ano ang kahulugan ng polis?

Sagot :

Answer:

Polis ay ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na lungsod - estado o city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod katulad ng Athens at Thebes.  Noong 800 B.K. ang mga pamayanan sa Gresya ay nagbigay daan sa malakingyunit politikal at sosyal ang lungsod-estado o city state na tinawag na POLIS. Sa mga polis masasabing nagsimula ang demokrasya, dahil ang pinagkaiba ng mga polis sa ibang mga klase ng city-state ay na kaysa sa pamumunuan ng hari ang mga naninirahan mismo sa polis ang namumuno sa kanilang mga sarili.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/224283

Sistema ng pamamahala sa Polis

  1. Aristokrasiya - Pinamamahalaan ng maliit na pangkat ng pamilyang maharlika na nagmamay-ari ng mga lupain.  
  2. Oligarkiya - ito ay pangkat ng mga mayayamang mangangalakal sa ibang lungsod at nakipag-alyansa sila sa mga aristokratikong pinuno upang mamahala sa mga lungsod-estado.
  3. Monarkiya -pamamahala ng isang hari o Reyna  
  4. Tiraniya - ang pinuno ay tinatawag na TIRANO at nagiging pinuno na nagmula sa kanyang personal na lakas. Mula sa uri ng pamahalaang ito, umunlad ang pagbabago sa pamamahala na nagbigay daan sa pagsilang ng demokrasya.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/1918353

Sparta: Isang mandirigmang Polis

  • Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng magagaling at malalakas na sundalo  
  • Nanatili rin sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya ang Sparta.  

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/241100