Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING
Ang dalawang uri ng paghahambing ay magkatulad at di-magkatulad na paghahambing. Ang dalawang uri ng paghahambing na ito ay ginagamit upang ipahayag o ilarawan ang mga bagay na mas madaling maunawaan ng nakikinig o mambabasa sapagkat maaaring kilala niya ang isa sa mga bagay na inihahambing. Maaaring paghambingin ang mga tao, hayop, halaman, lugar o ideya.
PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
Ang paghahambing na magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may parehong katangian o lebel ng istatus. Halimbawa ng inihahambing na magkakatulad ay mga kambal o mga pareparehong lugar na maunlad. May mga panandang ginagamit sa paghahambing na magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.
MGA HALIMBAWA NG PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
- Magkasintangos ang ilong ng kambal na sina Maria at Marita.
- Kawangis ng bulaklak na sampaguita ang hinhin at yumi ni Isabel.
- Singtangkad ng aming pintuan ang tatay ni Emman!
- Ang puso ni Mang Kanor ay masyadong matigas gaya ng bato sa tabing ilog.
- Mistulang buhangin sa tabing dagat ang dami ng mga taong nagpunta sa concert ni Sarah Geronimo sa Mindanao kahapon.
PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
Ang paghahambing na di-magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may iba’t ibang katangian o lebel ng istatus. Maaari ring ihambing na di-magkatulad ang kambal na may iba’t ibang katangian o hitsura. May mga pananda ring ginagamit sa paghahambing na di-magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.
MGA HALIMBAWA NG PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
- Mas matangos ang ilong ni Maria kaysa ilong ng kakambal niyang si Marita.
- Higit na maganda ang bahay nina Julia kung ikukumpara sa bahay namin at iba pang bahay ng aking mga kaklase.
- Di hamak na mas matatalino ang mga batang kumakain ng gulay kaysa mga batang pihikan sa pagkain.
- Hindi gaanong matamis ang niluto mong keyk ngayon kumpara sa keyk na ginawa mo kahapon.
- Napakalambing umawit ni Mericris di tulad ng kanyang kapatid na parang laging galit pag kumakanta.Rakista kasi ang kapatid ni Mericris.
Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:
https://brainly.ph/question/346503
https://brainly.ph/question/120895
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.