Lumikha sila ng isang mahigpit na sistema ng paghahati ng lipunan sa mga
pangkat, ito ay binubuo ng apat na pangkat. Ang una at pinakamataas ay
ang mga brahmin o pari, ang pangalawa ay ang mga kshartriyas o
mandirigma, ang pangatlo ay ang mga vaishya o magsasaka at mangangalakal
at ang pang-apat ay ang mga sudras o alipin. Sa caste, ang mga kasapi
ng bawat pangkat ay kailangang sundin ang mga tuntuning namamahala sa
pag-aasawa, hanapbuhay, seremonya sa pananampalataya at mga kaugaliang
panlipunan tulad ng pagkain at pag-inom.