Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Ano ang buod ng Walang Sugat?

Sagot :

Walang Sugat  

ni Severino Reyes

Buod

Magkaharap noon sina Julia at Tenyong habang nagbuburda ang dalaga ng bigalang dumating ang kaibigan nitong si Lucas na nagbalita na nadakip ang kanyang ama dahil napagkamalan itong isang tulisan.napatay ang ama niya na si Kapitan Inggo nais maghiganti ni Teynong kahit labag sa sa kalooban ng kanyang kasintahan na si Julia at inang si kapitana Puten ay wala silang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong at habang malayo sila sa isat-isa ay may dumating namang mangliligaw si Julia isang mayaman na si Miguel. Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya nagpadala ng liham si Julia kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na ngunit di ito nasagot ni Tenyong sapagkat biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lamang ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong  kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.Nang araw ng kasal dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan ni Tenyong ay ikasal siya kay Julia, pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana ina ni Julia sapagkat mamatay din naman si Tenyong at makakasal din sa kanyang anak. Ngunit biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat!

Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.

Ang mga tauhan sa kwentong Walang Sugat

  1. Tenyong
  2. Lucas- kaibigan ni Tenyong
  3. Julia- iniibig ni Tenyong
  4. Juana- ang ina ni Julia
  5. Kapitana Puten – ina ni Tenyong
  6. Kapitan Inggo- ama ni Tenyong
  7. Miguel- ang mayamang mangliligaw ni Julia
  8. Tadeo- ang ma ni Miguel
  9. Heneral- ang kasbwat ni Tenyong sa pagpapanggap na siya ay sugatan.  

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Symbolism of walang sugat https://brainly.ph/question/1389699

Walang sugat script download https://brainly.ph/question/1843230

Gintong aral ng walang sugat https://brainly.ph/question/461912