Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

mga anyong lupa at tubig na mayroong explain

Sagot :

ang anyong lupa at anyong tubig ay yaman ng isang bansa na ibinigay ng diyos para mabuhay ang tao.
may iba't ibang anyong lupa na napapaligiran saatin tulad ng
bundok,bulkan,talampas,lambak,burol at ibapa.
ang anyong tubig ay tulad ng karagatan,dagat,sapa,ilog,lawa at ibapa dito namumuhay ang ibang organismo tulad ng mga isda.dito tayo kumukuha ng ibat ibang pagkain,ito ay pwedeng pagkunan ng hanapbuhay.
Mga Anyong Lupa:
1. Pulo- Ay isang anyong lupang napapaligiran ng tubig.
2. Kapatagan-Isang malawak at mababang masa ng lupa na mainam pagtaniman ng palay.
3. Bundok-Mataas na anyong lupa.
4. Bulkan-Ay isang ring bundok subalit mayroon itong butas sa tuktok.
5. Bulubundukin-Ang tawag sa mahabang serye ng magkakarugtong na bundok.
6. Burol-Ang tawag sa anyong lupang mattas ngunit mas mababa kaysa bundok.
7. Talampas-Ang tawag sa kapatagan nasa ibabaw ng burol o bundok.
8. Tangway-Ay anyong lupang nakauslit o nakaungos sa bahagi ng katubigan.
9. Lambak-Ito ay patag na lupain nasa pagitan ng dalawang matataas na lugar