IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Kabihasnan ng Minoan
- Ito ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Gresya at sa buong Europa. Ito ay itinatag ni Haring Minos, ang dakilang hari ng Crete. Ang knossos na matatagpuan sa hilagang bahagi ng crete ay ang kabisera nito.
Apat na antas ng tao sa lipunan:
- Maharlika
- Mangangalakal
- Magsasaka
- Alipin
Anu-ano ang kadahilanan ng kanilang pag unlad?
- Ang mga Minoan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pakikipag kalakalan sa dagat at sila rin ang unang nakagawa ng kauna-unahang arena sa buong mundo.
- Sila ay namumuhay sa pagtatanim ng ubas at Olives na nakatutulong sa pag unlad ng kanilang ekonomiya.
- Tumaas ang kanilang ekonimiya dahil sa pakikipag kalakalan at nag simula silang mag angkat ng mga alahas at mga batong-hiyas. Mula dito, nagkaroon sila ng mga bagong ruta sa pakikipag kalakarang pang dagat.
- Sila ay bumuo ng troso, palayok, at tela upang gamitin sa pakikipag kalakalan sa mga kalapit bansa.
Anu-ano pa nga ba ang pagkaka-kilanlan sa mga Minoan?
- Ang kanilang pangunahing laro pampalakasan ay boxing.
- Ang mga maharlika ay naninirahan sa palasyo ng knossos.
- Sila ang nagpakilala ng isang klase ng pag guhit ng larawan at ito ay tinatawag na Fresco.
- Pinapahalagahan ng mga Minoan ang kanilang kalayaan at kapayapaan.
- Masayahing ta o na mahilig sa magagandang bagay o kagamitan
- Pinahahalagahan nila ang palakasan upang mapanatili ang maganda at balingkinitan nilang pangangatawan
- Kilala sila sa larangan ng paggamit ng metal at mga kaugnay na teknolohiya
Ito pa ang ibang artikulo na maaaring makatulong:
Pagbagsak ng kabihasnang Minoan -https://brainly.ph/question/209848
Pagkakaiba ng Minoan at Myceans- https://brainly.ph/question/413427
Pinagmulan ng Minoan - https://brainly.ph/question/1814330
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.