Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ano ang mga mahahalagang ambag ng kabihasnang mesopotamia?

Sagot :

Ang mga mahalagang ambag ng kabihasnang Mesopotamia

Ang kabihasnan o sibilisasyon ng Mesopotamia ay isa sa pinakauna at pinakamatandang kabihasnan na natuklasan sa buong mundo. Ang pangalang Mesopotamos ay mula sa dalawang salitang greek na meso at potamos na ang ibig sabihin ay lupa sa pagitan ng ilog. Maraming mahahalagang ambag ang kabihasnang Mesopotamia sa modernong sibilisasyon. Ang pinaka-pangunahin rito ay ang mga unang sistema ng pagsulat na pinaniniwalaang nagsimula pa noong 3100 BC. Sa Mesopotamia rin nagsimula ang unang sibilisasyon na kung saan nagbukas ito ng maraming kaunlaran sa iba't ibang larangan at aspeto tulad ng arkitektura, matematika, astrolohiya, agrikultura, at maging sa panitikan at batas.

Ilan dito ay ang mga sumusunod na naiambag ng kabihasnang mesopotimia:

1. Imbensyon sa gulong

Ang pag-imbento ng gulong ay maiugnay sa Mesopotamia. Noong 1922, natuklasan ng arkeologo na si Sir Leonard Wooley ang mga sinaunang gamit na gulong sa pinananiwalaang lungsod ng Ur. Ito raw ay ang pinakalumang parte ng sasakyan na natagpuan sa kasalukuyan.

2. Cuneiform writing

Ang cuneiform ay ang unang sistema ng pagsulat na nabuo at nagsimula sa Mesopotamia. Ang sistemang pangkomunikasyon na ito ay nilikha ng mga Sumerians dahil sa kalakalan upang mapadali ang komunikasyon at upang mapanatili ang isang talaan ng mga komersyal na transaksyon na ginawa ng isang lungsod. Ang Cuneiform ay naging lingua franca sa buong rehiyon at kahit nong pagbagsak ng Sumer ay patuloy pa rin itong ginagamit.

3. The Hanging Gardens

Kilala ang Mesopotamia sa “The Hanging Gardens of Babylon”. Ito ay itinayo ni Haring Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa. Ang mga hardin na ito ay may haba na 1300 metro at mga 260 metro ang taas, nahahati sa mga platform o "floors". Ipinaliwanag ng ilang mga historians kung bakit pinuno ito ng mga magagandang kalsada, mga bukal at magagandang bulaklak upang ang reyna ay hindi magdusa ng kalungkutan sa mga nakaraan.

4.Ang Ziggurats

Ang mga ziggurats ay napakalaking templo na itinayo sa Mesopotamia, partikular sa Sumeria, bilang paggalang at pananampalataya sa kanilang mga diyos. Sa tuktok ng gusali, ang mga pari ng Sumerian ay nag-iwan ng mga handog (pagkain at mahalagang bagay) para sa kanilang mga diyos.F

5. Agrikultura at pag-aalaga ng hayop

Ito ang pangunahing rason kung bakit isang Agrikultural na society ang Mesopotamia. Ang mga kondisyon ng mga lupain noon ay posibleng malaking dahilan kung bakit naisip ng mga sinaunang tao ang pagsasaka at pag-aalaga ng hayop. Bukod pa rito, ang sistema ng patubig ay naimbento sa Mesopotamia upang mailipat ang tubig mula sa hilaga patungo sa timog.

6. Konsepto ng isang Syudad

Ang pag-unlad ng mga lungsod ay nagsimula noong Copper Age (5900 BCE - 3200 BCE). Malaking ambag ng kabihasnang Mesopotamia ang pagtayo at paglikha ng mga syudad o lungsod kung saan naitayo ang mga lungsod ng Eridu, Uruk, Ur, Kish, Nuzi, Nippur at Ngirsu. Ang mataas na antas ng pag-unlad ng agrikultura (na kasama ang patubig) pinapayagan ang paglaki ng mga malalaking sentro at, sa sandaling naitatag ang mga lungsod, napangalagaan nila ang kanilang kaunlaran sa pamamagitan ng kalakalan.

7. Hammurabi`s Code

Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.

Noong 1595 b.c.e, sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.