Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Mga Salitang Nagtatapos sa -AP
- hirap
- kurap
- sarap
- kulisap
- lasap
- langhap
- ulap
- talukap
- yakap
- hanap
- harap
- pangungusap
- usap
Explanation:
Salita
Ang salita ay yunit ng wika na nagbibigay kahulugan. Ito ay binubuo ng isa o higit pang morpema.
Morpema ang pinakamaliit na yunit ng salita. Ito ay binubuo ng mga pinagsamasamang pantig.
Tatlong Uri ng Morpema
- Morpemang Di Malaya
Ito ay ang mga panlapi.
Halimbawa: Unlapi ma-, nag-
Gitlapi -um, -in
Hulapi -an, -in
- Morpemang Malaya
Ito ay ang mga salitang ugat o salitang maaaring makapag isa at may kahulugan.
Halimbawa: tawa
kuha
takbo
bata
- Morpemang Di Malaya at Salitang Ugat
Ito ay ang nabubuo sa pagsasama ng panlapi at salitang ugat.
Halimbawa: nag- + laro = naglaro
mag- + laba = maglaba
-um + bili = bumili
-in + tawag = tinawag
-an + bilis = bilisan
-in + luto = lutuin
Uri o Antas ng Salita
Pormal
Ito ang pinakamataas na uri ng salita. Ginagamit ito sa mga seryosong publikasyon o dokumentasyon.
- Pambansa
Ito ang wikang ginagamit sa paaralan, simbahan at pamahalaan.
- Pampanitikan
Ito ang pinakamataas at pinakamayamang antas ng salita. Ito ay ang mga salita na ginagamit ng mga manunulat sa panitikan. Ang mga salitang ito ay masining at matalinghaga.
Di Pormal o Impormal
Ito ang ginagamit ng tao sa araw araw. Ito ang mga salitang palasak.
- Kolokyal
Salitang nabuo sa pagsasama o pagdudugtong ng salita.
Halimbawa: mayroon - meron
kailan - kelan
- Balbal
Ito ang pinakamababang uri ng antas ng wika. Tinatawag din ito na "slang". Ito ang mga salitang napauuso ng mga kabataan o kaya ay ang mga gay lingo.
Halimbawa: nanay - madir
malupit - petmalu
paalam - babush
sarap - rapsa
totoo - trulalu
- Lalawiganin
Ito ang mga salitang dayalektal.
Para sa iba pang halimbawa ng mga salitang kolokyal, balbal, lalawiganin alamin sa link.
https://brainly.ph/question/692849
Walong Bahagi ng Pananalita
Mayroon ding walong bahagi ng pananalita, ito ay ang mga sumusunod:
- Pangngalan
- Pangatnig
- Pandiwa
- Pang-ukol
- Pang-abay
- Panghalip
- Pang-angkop
- Pangawing
Para sa kahulugan nga bawat bahagi ng pananalita, basahin sa link.
https://brainly.ph/question/987035
#LetsStudy
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.