IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

anu ang tatlong uri ng lupa?

Sagot :

Tatlong Uri ng Lupa

Ang lupa ang pangunahing sangkap sa paghahalaman. Ito rin ang nagsisilbing tahanan ng maliliit na hayop tulad ng bulateng lupa at iba pang mikroorganismo. Ito ay may tatlong uri base sa itsura at nutrisyon na taglay nito. Ang tatlong uri ng lupa ay ang sumusunod:

  • Banlik o Loam
  • Luwad o Clay
  • Mabuhanging Lupa o Sandy

Katangian ng Tatlong Uri ng Lupa

Narito ang katangian ng tatlong uri ng lupa upang malaman ang pagkakaiba ng mga ito:

  • Banlik o Loam - Ang uri ng lupang ito ay karaniwang nakukuha sa gilid ng ilog. Buhaghag ang itsura nito. Ang lupang ito ay tumataba kapag nahahaluan ng compost. Ang mga compost ay maaaring bulok na dumi ng hayop, dahon at basurang kusina. Ang lupang ito ay naaangkop sa paghahalaman.

  • Luwad o Clay - Ang lupa na ito ay hindi angkop sa paghahalaman. Malagkit ang lupang ito kapag ito ay basa at maaaring malunod ang halaman. Bitak bitak naman ito kung tuyong tuyo.

  • Mabuhanging Lupa o Sandy - Ang itsura naman ng lupa na ito ay may halong buhangin at maliliit na bato. Hindi lahat ng halaman ay nabubuhay dito dahil bumababa kaagad ang tubig dito.

Kahulugan at Kagamitan sa Paghahalaman:

https://brainly.ph/question/414384

Kahalagahan ng Paghahalaman:

https://brainly.ph/question/559727

#LearnWithBrainly