Answered

Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang ang kahulugan ng talaarawan

Sagot :

Kahulugan ng Talaarawan

Ang salitang talaarawan ay binubuo ng hulaping -an at dalawang salitang ugat na tala at araw. Ang kahulugan nito'y isang talaan na aklat na naglalaman ng mga pangyayari, saloobin o kaisipan na nagaganap sa araw-araw. Ito'y personal at maaaring naglalaman ng lihim ng isang tao kaya hindi kadalasang pinababasa sa iba. Sa Ingles, ito'y diary.

Paano sumulat ng talaarawan?

Tandaan na ang pagsusulat sa talaarawan ay parang nakikipag-usap sa isang tao. Maaari mo itong tawaging "Mahal Kong Diary" o "Mahal Kong Kaibigan". Maaari mo ring bigyan ng pangalan ang talaarawan mo gamit ang ngalan na iyong nais. Isang halimbawa nito ay ang sikat na diary ni Anne Frank. Tinawag niya ang kanyang talaarawan na "Kitty".

Anu-ano ang napapaloob sa talaarawan?

Ang isang maayos na talaarawan ay naglalaman ng mga sumusunod na bagay:

  • Petsa
  • Pangalan ng talaarawan
  • Saloobin, nadarama o iniisip
  • Pantasya
  • Pangarap o kabiguan
  • Lagda

Halimbawa ng Talaarawan:

https://brainly.ph/question/159069

#LearmWithBrainly