Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

What is paksa at panaguri?

Sagot :

Paksa at Panaguri ng Pangungusap

Upang mabuo ang isang pangungusap, binubuo ito ng paksa (simuno) at panaguri. Ang paksa o simuno ay ang pinag-uusapan sa pangungusap o ang tinatawag na "subject" sa Ingles na maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari habang ang panaguri ay tumutukoy tungkol sa paksa, tinatawag itong "predicate"  wikang Ingles.

Mga Halimbawa ng Pangungusap

Ang mga sumsunod na pangungusap ay nagpapakita ng bahagi ng simuno at panaguri:

  1. Si Ginoong Andres ay dalubhasa sa pangngamot ng may malubhang sakit.
  2. Ang pagiging mabait ay isang katangian na kahanga-hanga.
  3. Hindi marunong magmalasakit sa kababayan si Rita.
  4. Sina Pepito at Pepita ay matalik na magkaibigan.
  5. Hindi kasalanan ang magmahal.

Ang simuno ng pangungusap ay nakabold samantalang ang panaguri ay may salungguhit.

Ano ang paksa at panaguri https://brainly.ph/question/919220

Halimbawa ng pangungusap na may paksa at panaguri https://brainly.ph/question/250797

Mga halimbawa ng panaguri? https://brainly.ph/question/603492

#BetterWithBrainly