IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Ano ang Kahalagahan ng Edukasyon?

Sagot :

Answer:

Edukasyon ito ay makakamtan natin sa pagpasok natin sa paaralan, mga naipong kaalaman na natutunan natin sa paaralan na siyang magiging susi natin sa tagumpay, oo Tama ang edukasyon ang magiging susi natin sa ating tagumpay, ang edukasyon din ang kayamanang pamana sa atin ng ating mga magulang na kahit kelan ay hindi mananakaw sa atin ng sinuman kaya maari natin itong ipagmalaki kaninuman.

Ang kahalagahan ng Edukasyon

Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang magiging sandata mo sa kahirapan, ito ang iyong magiging susi patungo sa pag asenso ng iyong buhay, ito ang panglaban mo sa kahirapan upang maiangat sa kahirapan ang iyong pamilya, ito ang magiging dahilan para maibigay mo ang pangangailangan ng iyong mga mahal sa buhay.

Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito rin ang magiging sandata mo sa mga taong nais magsamantala sa iyo, dahil sa panahon ngayon marami ng mga tao ang mahilig mang loko at nananammantala ng kanilang kapuwa lalo na kung kulang sa kaalaman, kaya kung ikaw ay may edukasyon at may kaalaman tiyak na maiilang sa iyo ang mga taong mang loloko dahil alam nilang ang taong edukado ay hindi ganun kadaling maloko.

Mahalaga ang Edukasyon lalo na sa ating lipunan kung marami ang mga mamamayan na nagkamit ng edukasyon mas maraming tao ang magiging protektibo na siyang aasahan ng pamahalaan para mag paunlad sa ating lipunan, mas maraming mamamayan ang magiging kapakipakinabang at tutulong sa bayan.

Mahalaga ang edukasyon dahil pag nagkamit ka nito hindi ka mamaliitin ng ibang tao at ipagmamalaki ka ng buong pamilya mo gayun din ng iyong mga kaibigan.

Paano makakamit ang Edukasyon

Hindi ganun kadaling makamit ang edukasyon lalo na sa mahihirap na mamamayan, dahil sa kakapusan sa pananalapi malaking hadlang ito para sa kanila na makamit ang edukasyong nais nila, nariyan rin ang tukso na maaring pagkalibangan katulad ng mga online games , mga barkada, ipnag babawal na gamot ilan lamang iyan sa mga hadlang upang makamit o matapos ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral, kaya kung gusto kung makamit ang edukasyong ninanais mo ibayong pagsisikap at displina sa sarili mo ang dapatpairalin lagi mong isa puso at isabuhay ang pag-aaral mo laging mong isipin ang pamilyang nagpapakahirap para lang makapag-aral ka, isipin mo na maiaahon mo sila sa kahirapan oras na ikaw ay makatapos ng iyong pag-aaral, lahat ay imposible basta magtiwala ka lang sa iyong sarili at kakayahan sabayan mo rin ng panalangin sa ating panginoon upang ikaw ay magabayan.

Explanation:

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Ang kaibahan ng sinaunang edukasyon at kasalukuyang edukasyon. brainly.ph/question/533772

Edukasyon sa pilipinas brainly.ph/question/107339

Essay samples edukasyon brainly.ph/question/294345