Sa aking pagkakaalam at napag-aaralan lahat ng sinaunang kabihasnan ay unang naitatag sa mga ilog-lambak. Kumbaga, sa personipikasyon, ito ang nakasubaybay sa paglaganap at pag-usbong ng kultura sa Asya kung kaya't ang mga ilog-lambak ay mahalagang bahagi ng kasaysayan. Bilang halimbawa, dito nagsimula ang mga Kabihasnang Indus, Sumerian at iba pa na mga Semitikong pangkat na nagsimula ng tradisyon, paraan ng pagsulat, mga lungsod estado, talaan, relihiyon at kultura ng Asya.