IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

anu ang katangian ng indus?

Sagot :

Kabihasnang Indus
Ang lambak-ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya.
Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilaga - ang kabundukan ng Himalayas at ang hindu kush.
May ilang daanan na nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan at mananakop sa kanlurang asya ito ang Khyber Pass.
ang Indus at ganges ay taunang umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan.
Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus
Noong 3500 B.C.E tinatayang lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan ( nasa Pakistan ngayon ) nasa bandang kanluran ng Ilog Indus.
Mergash - batay sa mga nahukay na labi, agrikultural at sedementaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.
ebidensiya din ang pag -aalaga ng tupa, kambing, at ox.
nagsimula din sa panahong neolitiko ang paggawa ng palayok na may pintura at paghumo ng tinapay gawa sa cereal.