Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Ano ang ibig sabihin ng arbitraryo?

Sagot :

Ano ang ibig sabihin ng Arbitraryo?

Ang ibig sabihin ng salitang “arbitraryo” ay ‘di pagtunton sa katuwiran maging sa anumang batas o sistema ng pagpapasya.  Ang isang arbitraryong desisyon ay mabagsik kung tutuusin. Hindi ‘yung mabagsik na nanununtok, mabagsik dahil kaya nitong maging batay lang sa kung ano ang napagpasyahan. Ito ay batay sa pasiya ng indibidwal at ‘di sa batas.

Narito ang ilang paliwanag para sa salita:

1. Ang arbitraryo ay napapailalim sa indibidwal na kalooban o paghatol nang walang pagbabawal. Ito ay alinsunod sa paghuhusga ng isang tao

2. Walang pagpipigil; Ibig sabihin, walang limitasyong kapangyarihan. Maaari ring mangahulugang hindi ipinagpapahintulot ng batas. Hindi makatwiran; Hindi suportado.

3. Bunga ng kapangyarihang absolute o lubos.

4. Pinasyahan lang ng nag-iisang hukom o tagapamagitan sa halip na sa pamamagitan ng isang kilalang sistema o ng batas.

5. Sa Matematika . Hindi natukoy. Hindi nakatalaga ng isang tiyak na halaga o kaya naman ay may isang di-makatwirang pagkapare-pareho.

Ang Wika ay Arbitraryo

Ang wika ay arbitraryo dahil ito ay ang mga salitang pinagkasunduan lang ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-araw na pamumuhay.  

Halimbawa ng mga salitang nauugnay sa Arbitraryo:

  • “charot”
  • “amats”
  • “humuhugot ka na naman”
  • “gg”
  • “besh”
  • “beshiewaps”
  • “beshie”
  • “bae”
  • “geh”
  • “TOTGA”

Dahil sa pagiging arbitraryo ng ating wika, nakabubuo ang mga tao ng iba’t ibang salita na sila lamang ang nagkakaunawaan at nagkakaintindihan. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa isang dayuhan na “humuhugot lang ako” dahil hindi niya agad maiintindihan kung anong pakahulugan mo sa “humuhugot”. Ibig sabihin, nagkasundo-sundo tayo - yung mga taong nagtatalaga ng mga kahulugan ng mga salita - sa mga kahulugan ng mga iyan at patuloy pa rin natin silang ginagamit kahit na hindi pa sila nakalagay sa ating diksyonaryo. At dahil sa mga salitang napagkakasunduan natin, unti-unti silang nakikilala at pormal o opisyal ding tatanggapin ng ating bokabularyo gaya ng mga salitang “bongga” at “astig”.

Tandaan na ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog. Bilang ang salitang arbitraryo nga ulit ay nangangahulugang walang tiyak na batayan o walang sistemang sinusunod. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbulo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng mga bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak na tuntunin, sistema, batayan, o batas na sinusunod.

At dahil dito, ito nga ay tinatawag na malupit, mabangis, at hindi napipigilan.  Walang tiyak o eksaktong teorya na makapagpapatunay kung paano nagsimula 't pinauso ang pagiging arbitraryo ng wika o kung paano nagkaroon ng wika ang bawat lahi sa buong mundo.  

At ang paniniwala ng iba, ang anuman daw na paggigiit o pamimilit ukol sa isang teorya ng pinagmulan ng wika ay pagtatalu-talunan lamang at pagdedebatehan.

Para sa higit pang halimbawa ng arbitraryo, tingnan ang brainly.ph/question/1496565. Makakatulong ang link na ito para mas maintindihan ang mga bagay-bagay tungkol sa katangian ng wika. brainly.ph/question/130525  . At yamang magka-ugnay ang wika at panitikan, makikita sa brainly.ph/question/1478167  ang mga katangian nito.