Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pokus ng pandiwa;
1. Pokus sa Pinaglalaanan - ang pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa ang simuno sa pangungusap.
2. Pokus sa Ganapan - ang simuno ay ang pinangyarihan o pinangganapan ng kilos ng pandiwa.
3. Pokus sa Tagatanggap o Layon - ang tagatanggap o layon ng pandiwa ang siyang paksa o simuno.
4. Pokus sa Tagaganap o Aktor - Ang simuno ang gumaganap sa sinasabi ng pandiwa.