Ang pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng
pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan sa isa
pang kaisipan. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.
ANG MGA HALIMBAWA NG PANGATNIG AY ANG MGA SUMUSUNOD:
at, o, ni, kapag, pag, kung, dahil, sapagkat, kasi, upang, para, kaya, nang
Kapag ang tanong ay nagsisimula sa bakit, ang sagot nito ay
kalimitang nagsisimula sa pangatnig. Mabisang magagamit ang pangatnig sa pagsasaad ng dahilan, kundisyon o pasubali, at magkatulad o
magkasalungat na kahulugan.