Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Mga Bagay Na Nagsisimula Sa Titik "G"
Ang titik "G" ay isang katinig. Ilan sa mga bagay sa ating paligid ay nagsisimula sa titik "G". Narito ang ilang halimbawa:
- garapon
- gunting
- goma
- ginto
- gitara
- gamot
- gatas
- gulong
- goto
- gabi
- globo
- gripo
- gasa
- galon
- grasa
- gasolina
- groto
- granada
- guwantes
- gusali
- gata
- giniling
- galapong
- gulaman
- gulok
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang ilan sa mga bagay na nagsisimula sa titik "G" sa pangungusap. Narito ang ilang halimbawa:
- Kwintas na ginto ang regalo na nais kong matanggap sa aking kaarawan.
- Pinagalitan ako ni nanay dahil nabasag ko ang garapon ng asin.
- Giniling na baboy ang ulam namin.
- Tumigil kami sa daan dahil nabutas ang gulong ng dyip.
- Naglalagay ako ng gata sa aking buhok upang mapanatiling makintab ito.
- Maraming nasayang na tubig dahil nalimutan ni lola na patayin ang gripo.
- Magaling tumugtog ng gitara si kuya.
Bukod sa mga bagay na nagsisimula sa titik "G", alamin ang iba pang mga bagay na nagsisimula naman sa iba pang letra.
Nagsisimula sa "O":
https://brainly.ph/question/1704179
Nagsisimula sa "T":
https://brainly.ph/question/2769650
#LearnWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.