Gneidn
Answered

IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

ano ang pagkakaiba ng tama at mabuti?

Sagot :

Ang tama at mabuti ay karaniwang pinagpapalit at ikinalilito, ngunit ang mga salitang tama at mabuti ay may pagkakaiba. Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon. Sa kabilang banda, ang mabuti naman ay anumang bagay na nakakatulong sa pagbuo ng sarili.

Kahulugan at Pagkakaiba ng Tama at Mabuti

Narito ang mga kahulugan at pagkakaiba ng tama at mabuti:

  1. Tama - Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon. Halimbawa: Mabuti ang gamot para sa mga tao, ngunit may tamang gamot para sa isang partikular na sakit o karamdaman.
  2. Mabuti - Ang mabuti ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili. Ang gabay upang malaman na ang isang bagay ay mabuti ay kapag ginagamit ang isip at puso para suriin at kilatisin ang isang bagay. Halimbawa: Mabuti ang gamot para sa mga tao. Mabuti rin ang pag-eehersisyo para sa mga tao.

Pagkakatulad ng Tama at Mabuti

Ang tama at mabuti ay may pagkakatulad din. Ang karaniwan sa dalawang ito ay ang pagsulong sa ikabubuti ng tao at pag-iwas sa pananakit ng tao.

Iyan ang mga detalye tungkol sa tama at mabuti. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang kahulugan ng tama at mabuti: https://brainly.ph/question/899105, https://brainly.ph/question/227248
  • Halimbawa ng tama at mabuti: https://brainly.ph/question/220157