Pagpahalaga sa Wika:
1. Ito ay dapat ginagamit at lalong pinagyayaman.
Halimbawa: May aprisasyon sa pakikinig, panonood o pagbabasa na gamit ang wika.
2. Pinag-aaralan pa ring mabuti kahit unang wika o laging ginagamit. Lalo na ang mga teknikal na bahagi kahit simple lang ito.
Halimbawa: Alam ang kaibahan ng "ng" at "nang". Kailang ginagamit ang "rito" at "dito".
3. Hindi ikinahihiyang gamitin
Halimbawa: Hindi sukatan ang banyagang salita para maituring na edukado. Ang tamang pag-unawa at paggamit ng wika ay isa na ring ebidensya ng pagiging edukado.
4. Ginagamit nang wasto
Halimbawa: Ang mga balbal na salita ay ginagamit lamang kung alam na ang mga batas at ang pormal na paggamit ng wika.