Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Saan umusbong ang India?

Sagot :

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon, ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India.Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang·       India·       Pakistan·       Bangladesh·       Afghanistan·       Bhutan·       Sri Lanka·       Nepal at·       MaldivesAng rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.   Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.