Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

reaksyon sa ika limang sona ni pnoy

Sagot :

Umani ng iba't ibang reaksyon ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Sa kabila ng isa't kalahating oras na "Report kay Boss" ni PNoy, may mga nakulangan pa ring mambabatas sa detalye ng mga nakamit ng administrasyon sa loob ng dalawang taon.

Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Zambales Representative Mitos Magsaysay na hindi natumbok ng Pangulo ang mga problemang mas malapit sa taumbayan at tila naging budget briefing lang ang simula nito.

"Sa akin, hindi pa rin ho niya na-address 'yung problema ni Juan dela Cruz na dapat boss niya, kasi tumaas po ang kuryente, tumaas po ang singil sa tubig, tumaas ang presyo ng mga bilihin, tumaas po 'yung gasolina. Paano niya po ngayon matutugunan ang mga problema ni Juan dela Cruz na kinakaharap ngayon?"

Bigo rin anya si Pangulong Noynoy na ipaliwanag kung bakit mas maraming Pilipino ang nagsasabing nagugutom sila sa kabila ng mga programa ng administrasyon.

Ang isyu sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin din ang hinanap ni Bayan Muna Representative Teddy Casiño sa SONA ni PNoy.

"Napakaraming nabanggit, ang hindi ko narinig dun, ang usapin ng presyo. Anong gagawin sa banta ng pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig, langis? Ano ang plano ng gobyerno sa usapin ng reporma sa industriyang 'yan?"

Hindi rin anya nasagot ng Pangulo ang problema ng urban poor sa usapin ng pabahay sa harap ng napakaraming demolisyon.

Sinabi naman ni Casiño na suportado niya ang administrasyon sa usapin ng pagtatanggol sa West Philippine Sea.

"Nagkakaisa tayong lahat na hindi papayagan itong panghihimasok ng China."

Pero dapat anyang pag-usapan pa rin ang diplomatic efforts ng gobyerno lalo't tutol ang kanilang samahan sa pagsandal ng Pilipinas sa Estados Unidos.