IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Iba't ibang pakahulugan ng pagbasa ayon sa iba't ibang manunulat

Sagot :

Pagbasa

Ang pagbasa ay isa sa apat na makrong kasanayan. Ito ay nangangailangan ng panahon. Bihirang isinasagawa ng mga mag - aaral. Pagkuha ng ideya o kaisipan sa tekstong binasa. Paraan ng interaksyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa. Instrumento sa pag - unawa ng kahulugan at kahalagahan ng mga bagay sa paligid.

Narito ang ilang manunulat na nagbigay - kahulugan sa pagbasa:

  1. Gray (1960)
  2. Flesch (1995)
  3. Hank (1983)
  4. Goodman (1973)
  5. Valentine (2000)

Ayon kay William Gray (1960), ama ng pagbasa, ang pagbasa ay ang interaksyon ng mambabasa at ng nakalimbag na wika na kung saan ang mababasa ay nagtatangkang bumuong muli ng mensahe mula sa kanyang pagkaunawa sa mensahe ng manunulat.

Ayon kay Rudolf Flesch (1995), ang pagbasa ay nangangahulugang pagkuha ng kahulugan mula sa kombinasyon ng mga letra. Kapag naituro sa bata kung ano ang tawag sa letra at kung papaano ito isinusulat at binabasa, siya ay makababasa.

Ayon kay Hank (1983), ang pagbasa ay pag - unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito.

Ayon kay Kenneth Goodman (1973), ang pagbasa ay isang psycholinguistic na paraan ng pagbibigay hinuha sa isang kalagayan, nabasa, o narinig.

Ayon kay James Lee Valentine (2000), ang pagbasa ay ang pinaka pagkain ng ating utak sapagkat ang anumang binasa o kaalamang inilagak sa utak ang pinaka pagkain nito.

Ano ang pagbasa: https://brainly.ph/question/159726

Bakit mahalaga na matutong bumasa: https://brainly.ph/question/491883

#LearnWithBrainly

Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.