Naging mahiwaga ang kabihasnang indus dahil ito ay yumabong sa loob ng isang libong taon, at naglaho nang walang kabakas-bakas. Muli na lamang itong nasilayan sa tulong ng mga arkeologo. sa katunayan ay hindi pa rin gaanong natutuklasan ang mga lugar sa kapatagan ng indus at hindi pa rin nababasa ang mga pira-pirasong sulating natagpuan sa mga batong selyo. Wala ring pangalan ng mga hari o reyna , walang talaan ng buwis, walang panitikan, at walang kuwento ng mga tagumpay sa digmaaan..