Ang Kabihasnang Indus ay kilala sapagiging mahiwaga dahil sa maraming katarungan ang hindi masagot ng arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictogram. May mga artefact din na nahukay, mga laruan na nagpapahiwatig na mahilig maglibang at mag-laro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaaring may matinding kalamidad ang nangyari dito.