Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang Apat na uri ng MGA SALIK NA PRODUKSYON?

Sagot :

Apat na Uri ng Salik ng Produksyon

  1. Lupa – mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kundi lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito. Kasama na ang yamang-tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Ang lupa ay takda ang bilang.  
  2. Kapital o Puhunan – mga produktong nakakalikha ng panibagong produkto o mga kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
  3. Paggawa o Lakas Paggawa - mga tao na siyang lumilinang sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran para gawing produkto. Ang tao ay ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Ang mga hilaw na sangkap at likas na yaman ay magiging kapaki-pakinabang kung gagamitin at gagawing produkto. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.  
  4. Entreprenyur – tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto sa produksyon. Entrepreneurship ay tungkol sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa apat na uri ng salik ng produksyon, maaaring pumunta sa link na ito:  https://brainly.ph/question/244695

Kahulugan ng Salik ng Produksyon

Ang salik ng produksyon ay:  

  • pinagkukunang-yaman na may kapakinabangan sa produksyon
  • mga inputs o bagay na ginagamit upang makagawa ng mga bagay na sasagot sa kagustuhan at pangangailangan ng tao
  • mga elemento ng produksyon

Kung wala ang mga salik ng produksyon, hindi makakalikha ng produkto.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng salik ng produksyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/392292

Kahulugan ng Produksyon

Ang produksyon ay:  

  • nanggaling sa salitang Latin na “Productio” na may ibig sabihin na “bring forth”
  • tumutukoy sa paglikha ng mga produkto at serbisyo mula sa pagsasama-sama ng mga salik ng produksyon
  • tumutukoy sa paggawa ng produkto para tugunan ang mga kagustuhan at mga pangangailangan ng tao

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng produksyon, maaaring pumunta sa link na ito:  https://brainly.ph/question/826851