IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Isa sa mga umuunlad na negosyong pang-agrikultura dito sa ating bansa ay ang pag-aalaga ng itik o pag-iitikan. Maraming mga magsasaka at mga pangkaraniwang mamayan ang nakikinabang sa ganiton uri ng negosyo. Sa Pilipinas, ang itik ay pumapangalawa sa manok kung produksyon ng itlog ang pag-uusapan. Ang malaking porsyento nito ay nagmumula sa mga nag-aalaga at nagpapalaki ng itik sa likod-bahay.
Ang likas na kapaligiran sa Pilipinas ang siyang dahilan kung bakit marami ang pumapasok sa pag-iitikan. Sinasabing ang maraming lawa at ilog na angkop sa pag-aalaga ng mga itik ay nakakatulong upang mapangasiwaan ng mas mabuti ang pag-aalaga sa mga ito. Bukod dito, maraming produkto ang nanggagaling mula sa itik, kahit nga balahibo nito ay napapakinabangan.
Ang kursong ito a magbibigay ng mga kaalaman sa pangangasiwa at pag-aalaga ng itik. Sa unang modyul, tatalakayin ang mga Pagunahing Patakaran sa Pag-aalaga ng Itik. Ito ang magsisilbing gabay sa mga taong nais pumasok sa ganitong negosyo o kaya ay nais sumubok na mag-alaga ng kaunting itik sa likod-bahay para sa sarili nilang gamit.
Ang ikalawang Modyul naman ay nauukol sa mga sistema ng pangangasiwa t pag-aalaga ng itik. Ito ay kailangan ng mga nagnanais na gawing pangkomersyal ang pag-iitikan.
Ang Modyul III at IV ay tungkol naman sa paggawa ng iba't-ibang produkto mula sa itik at ang pagbebenta nito.
Mainam na pag-aralang mabuti at subukan ang mga tatalakayin sa araling ito. Hindi sakop ng kursong ito ang lahat ng mga panuntunan sa larangang ito, subalit malaki ang maitutulong nito sa mga nagsisimula pa lamang.
ayos ba?

Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.