IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Katauhan ni Mr. Leeds Sa Nobelang El Filibusterismo
Pagkilala sa Katauhan ni Mr. Leeds
Sa nobela, siya ay sinasabing isang Amerikano na magaling magsalita ng wikang Kastila dahil sa matagal na paninirahan sa Timog-amerika. May pinamamahalaan siyang peryahan sa Quiapo.
Siya ay nabanggit sa Kabanata 16, 17 at 18 ng El Filibusterismo.
Sa kabanata 16, usap-usapan sa pulutong ng mga pari ang tungkol sa perya na may ulong nagsasalita na pinamamahalaan ni Mr. Leeds sa Quiapo.
Sa kabanata 17, mga matataas na tao kabilang ang mga prayle ang pumunta sa peryahan ni Mr. Leeds sa Quiapo upang makita ang kakaibang mahika na pinag-uusapan.
Sa kabanata 18, siya ay magsasagawa ng palabas sa kanyang peryahan. Masasabing siya ay isang mapanlinlang dahil sa kanyang mahika. Sa pamamagitan ng kanyang mahika, nasindak niya si Padri Salvi dahil sa mga makabuluhan at matalinhagang salita na puro patama kay Padre Salvi. Siya ay pumunta ng hongkong dala ang lihim ng kanyang mahika.
Ano ang paniniwala ni ben zayb sa palabas ni Mr. Leeds? https://brainly.ph/question/2124774
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.