IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang panghalip na panao

Sagot :

Panghalip Panao

Ang panghalip panao ay humahalili sa pangalan ng tao. Ito ay may kaukulan, panauhan, at kailanan. Kaukulan ay ang kakayahan na nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap. Panauhan ay tumutukoy sa kung sino ang nagsasalita sa pangungusap. Kailanan ay ang bilang ng nagsasalita o tinutukoy sa pangungusap.

Kaukulan ng Panghalip Panao:

  1. paari
  2. palagyo
  3. paukol o palayon

Paari ang kaukulan ng panghalip panao kung may nauuna o sumunod na pangngalan dito. Ito ay nagiging panuring lamang.

Halimbawa:

  1. Akin ang gabing ito.
  2. Sa iyo na lamang ang damit na ibinigay ni Tiya Isabel.

Palagyo ang kaukulan ng panghalip panao kung ito ay ginamit bilang simuno at kaganapang pansimunong pangungusap.

Halimbawa:

  1. Siya ang tagpamahala ng mga ayuda.
  2. Ako ay tumutulong sa paghahanda ng mga ayuda.

Paukol o Palayon ang kaukulan ng panghalip panao kung ginamit bilang layon ng pang - ukol at tagaganap ng pandiwang nasa tinig balintiyak.

Halimbawa:

  1. Ang bagong damit ay para sa akin.
  2. Bibigyan ko ang mga nasalanta ng bagyo ng mga ayudang aming nakalap.

Panauhan ng Panghalip Panao:

  1. una
  2. ikalawa
  3. ikatlo

Ang panghalip panao ay nasa unang panauhan kung ito ang nagsasalita o kabilang siya sa tinutukoy.

Halimbawa:

  1. Ako ay tutungo ng Bayan.
  2. Akin ang suhestiyong iyan kaya ako narito ngayon.

Ang panghalip panao ay nasa ikalawang panauhan kung ito ay ang taong kausap o kinakausap.

Halimbawa:

  1. Ikaw na ang bahala kay Gng. Cruz.
  2. Kayo na lamang ang mag - asikaso ng mga panauhin.

Ang panghalip na panao ay nasa ikatlong panauhan kung ito ay ang pinag - uusapan.

Halimbawa:

  1. Sila ang mga frontliners na sumagip kay G. Alejo.
  2. Siya ang doktor ng panganay kong si Leon.

Kailanan ng Panghalip Panao:

  1. isahan
  2. dalawahan o maramihan

Ang panghalip panao ay pang - isahan kapag ito ay tumutukoy sa isa lamang.

Halimbawa:

  1. Ako ang nagtanim ng kamatis sa likod - bahay.
  2. Siya ang aking matalik na kaibigan.

Ang panghalip panao ay pandalawahan o pang - maramihan kung tumutukoy sa higit sa isa.

Halimbawa:

  1. Sila ang aking mga kasamahan sa trabaho.
  2. Kami ang pangkat dalawa.

Ano ang panghalip panao: https://brainly.ph/question/225959

Ano ang mga halimbawa ng panghalip panao: https://brainly.ph/question/202195

#LearnWithBrainly