Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

tula na may 4-6 na saknonh at may makata

Sagot :

PUSO, ANO KA? ni Jose Corazon de Jesus

Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan, 
nakapagsasaya kahit isang bangkay.

Ang puso ng tao’y parang isang relos, 
atrasadong oras itong tinutumbok, 
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot, 
at luha ang tiktak na sasagot-sagot, 
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok 
kahit libinga’y may oras ng lugod.

Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib 
sa labi ng sala’y may alak ng tamis, 
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis 
nalalagok mo rin kahit anung pait, 
at parang martilyo iyang bawat pintig 
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.

Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman 
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw, 
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw, 
dahil sa panata ay parang orasan, 
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal 
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.