IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

tungkol sa pag tunlong sa may kapansanan

Sagot :

Kitang-kita na mas mapalad ako sa mga taong may kapansanan hindi lang sa pisikal na anyo, ngunit pati na rin sa pakikitungo ng gma tao. Mas nakakaawa nga naman ang mga taong may kapansanan, ngunit, sa tinging ng tao, mas mahalaga o mas nabibigyang halaga ang mga normal na tao kaysa sa mga may kapansanan.
Lubhang mahirap din ang kalagayan nila kumpara sa amin, dahil mas limitado ang kakayahan nila at dahil dito nahihiwalay sila sa lipunan at naiiba ang trato sa kanila dahil naiiba rin ang antas ng abilidad nila. Ito'y maaaring ding mas iniiwasan at mas minamaliit nila ang may mga kapansanan. Dahil dito, nagkakaroon diskriminasyon at di katulad ng mga normal na tao, sila ay mahirap na nakakahanap ng hustisya. Ngunit, sa kabila ng mga ito, masasabi ko na mas matatag ang loob ng may maga kapansanan dahil sa kabila ng mga hirap na nadadaanan nila, nagagawa pa nilang matanggap ang kanilang sarili at mangarap at mabuhay na parang normal na mga tao.
Panginoon, sana po maging mas matatag at mas lumakas na gloob ng mga taong may kapansanan. Sana po hindi sila mawalan ng pagasa at hindi sila sumuko sa araw-araw na pagsubok ng buhay. At kahit naiiba sila sa lipunan, sana po hindi nila isipin na pabigat sila, sa halip ay maramdaman nila an kabilang sila sa lipunan at mahanap nila hustisya na kinakailangan nila. Sana rin po ay hindi maging hadlang sa kanila ang kapansanan sa pagabot at pagtupad ng kanilang mga pangarap. Para naman sa mga taong walang kapansanan, sana ay magsilbing inspirasyon at "wake up call" ito sa kanila. Sana tigilan na natin ang pagmamaliit at diskriminasyon sa mga ito, sa halip ay tularan at ipagmalaki natin sila.
-repost