Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Pagliligpit Ng Pinagkainan
Ang pagliligpit ng pinagkainan ay araw-araw na gawain natin sapagkat araw-araw din tayo kumakain. Araw-araw natin ito ginagawa ngunit hindi natin napapansin na mayroon itong wastong pamamaraan upang mas sistematiko at mabilis ang pagliligpit ng pinagkainan.
Wastong Pagliligpit Ng Pinagkainan
Narito ang wastong pamamaraan ng pagliligpit ng pinagkainan. Ang wastong pamamaraan na ito ay nakakaligtaan ng halos ng mga tao.
Sa Paglilinis ng Mesa
- Linisin ang tira-tirang pagkain sa bawat pinggan.
- Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay ito sa tray.
- Dalhin ito sa kusina upang mahugasan.
- Itago ang mga natira o hindi naubos na pagkain at linisin ang mesa.
Sa Paghuhugas
- Maaaring simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kanan ng lababo ayon sa pagkasunod-sunod: a. baso o glassware c. plato o chinaware b. kubyertos o silverware d. sandok at siyansi e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa
- Gamit ang maliit na palanggana na may sabon o dishwashing liquid at espongha o sponge ay sabunin ito. Tiyaking malinis ang mga ito bago gamitin. Sundin ang pagkasunod-sunod sa pagsasabon.
- Banlawang mabuti. Upang maalis ang dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy, kuskusin ang mga binabanlawan. Gumamit ng mainit na tubig sa pagbabanlaw ng mga pinggan at kubyertos kapag ang ulam ay masebo o mamantika gaya ng adobo.
- Sunod ay ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
- Gamit ang malinis na pamunas ay patuyuin ang mga ito.
- Hindi pinupunasan ang mga baso upang hindi lumabo.
Buksan ang mga sumusunod na links para sa karagdagang impormasyon:
Kahulugan ng kubyertos
https://brainly.ph/question/299084
Kahulugan ng pinggan
https://brainly.ph/question/540098
Bansa na pinagmulan kung bakit babae ang naghuhugas ng pinggan
https://brainly.ph/question/1650856
#LetsStudy
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.