Ang gong ay karaniwang isang malaking hugis plato na bilog at malapad yari sa metal. Kapag ito ay pinapalo ng mabigat na patpat pamukpok, naglilikha ito ng malalim na umuugong na tunog. Ang hugis nitong mala platito ay nakakatulong upang makagawa ito ng tunog na umaalingawngaw sa bawat paghataw ng pamalo ay doble ang pagtunog. Nabibilang din ito sa instrumento ng pagtatambol. Makikita ito sa mga paaralan noon na naghuhudyat ng pahinga, pagkain at uwian. Ginagamit ding hudyat pang gising at sa mga mahahalagang okasyon.