Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Uri ng pangungusap ayon sa kayarian

Sagot :

(1) Payak - pangungusap na binubuo ng isang diwa o isang kaisipan lamang.
mga halimbawa: 
Napaka-init ng temperatura ngayon.
Namasyal sa Palawan ang pamilya niya.
Masarap maligo sa dagat. 


(2) Tambalan - pangungusap na binubuo ng dalawang payak na pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng "at", "o", "ngunit", "habang", "samantala", o "pero"

mga halimbawa:
Susunod ba tayo sa Bohol o maghihintay na lang ba tayo sa Cebu?

Nagbabasa ng novela si Denise habang tumutugtog ng piano si Magiting.

(3) Hugnayan - pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na hindi nakapag-iisa na pinakikilala ng mga pangatnig na "kapag", "pag", "nang", "dahil sa", "upang", "sapagkat", at iba pa.
mga halimbawa: