Panahong Mesolitiko
Nagsimula ang panahong Mesolithic o Panggitnang Panahon ng Bato (Middle Stone Age) noong bandang 8000 B.K. at tumatagal nang libu-libong taon. Kasamang namatay ng panahong Paleolithic ang malalaking hayop na nagsisilbing pagkain ng mga tao, at napalitan ng mga hayop na nakikita natin sa kasalukuyan. Natunaw na rin ang makakapal na yelo sa pagtatapos ng panahong Pleistocene kaya't lalong lumawak ang mga lupang maaaring panahanan ng mga tao. Bagama't nanatiling bato ang mga kasangkapang gamit ng mga tao noong panahong Mesolithic lumiit naman ang mga ito at nagging mas pino.