TANKA
Ang estilo ng tanka ay isang maiikling awitin o tula na pinasimuno ng Japan noon. Ito ay dapat binubuo ng 31 pantig na 5 taludtod.
Ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay:
1. 7-7-7-5-5
2. 5-7-5-7-7
Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka. Lilikha ng 3 taludtod ang isang tao at dudugtungan naman ng ibang tao ng 2 taludtod upang mabuo ang isang tanka.
Halimbawa ng Tanka:
Pagbabago
5 - Magsimula sa
7 - Sarili muna dahil
5 - Dapat sa'yo ang
7 - Umpisa ng gusto mo
7 - Gusto mong pagbabago
Pag-ibig
5 - Ano'ng pag-ibig
7 - Ang mayroong kundisyon
5 - At kutya laban
7 - Sa pagmamahalan ng
7 - Kaibang preperensya