Ang kambal katinig ay katulad sa klaster na binubuo ng dalawa o higit pang magkakatabing konsonant sa loob ng isang salita. Ang kambal-katinig sa Tagalog ay mula sa mga salitang kambal o dalawa at katinig o konsonant subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito. Walang
higit sa tatlong magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible ang
pagkakaroon ng tatlo hanggang apat. Ito ay resulta ng paghihiram ng
salita sa mga salitang dayuhan.