Noong panohon ng pananakop ng mga Kastila, ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay isa sa mga pinakamahirap na naranasan ng mga Pilipino.
Labag sa kalooban mg marami ang paggawa sapagkat dahil sa mga sumusunod:
1. Hindi sila nababayaran ng tama.
2. Kung bayaran man, madalas ay pahirapan pa, lubog na sila sa utang bago pa makuha ang bunga ng pinaghirapan.
3. Maraming mga menor de edad at mga matatanda na napilitang magtrabaho sa kabila ng kanilang edad.
4. Marami ang napalayo sa kanilang pamilya.
5. Marami ang nawalan ng dignidad sapagkat ginawa silang alipin ng mga dayuhan sa sarili nilang bayan.