Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ano ang tagalog ng "Republic Act"

Sagot :

Ang ibig sabihin sa salitang tagalog ng "Republic Act" ay Batas Republika. Ito ay tumutukoy sa mga batas na pinapatupad sa Pilipinas. Ang Kongreso ang syang gumawa ng mga batas na ito at inaprubahan ng Pangulo.

Iba't ibang pangalan ng Batas Republika

1. "Acts"- panahon ng mga Amerikano.

2. "Commonwealth Acts"- panahon ng Komonwealth ng Pilipinas.

3. "Batas Pambansa"- panahon ni Marcos

4. "Batas Republika"- ito ang katawagang ginamit pagkatapos ng kalayaan at pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa noong 1986.

Mga artikulo sa kategorya na "Mga Batas Republika ng Pilipinas"

1. Batas Republika Bilang 7104 ng Pilipinas

  • isang batas sa Pilipinas na may layuning ipakilala at mapanatili ang ating wikang Filipino. Ito ay mas kilala sa tawag na Batas na Komisyon sa Wikang Filipino (Commission on the Filipino Language Act).

2. Batas Republika Bilang 7638 ng Pilipinas

  • isang batas sa Pilipinas na may layuning mamahala ng enerhiya ng bansa. Ito ay mas kilala sa tawag na Batas na Kagawaran ng Enerhiya (Department of Energy Act of 1992).

3. Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas

  • isang batas sa Pilipinas na may layuning magkaroon ng mahigpit na paglaban kontra sa iligal na ipinagbabawal na gamot. Ito ay mas kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

4. Batas Republika Bilang 9500 ng Pilipinas

  • isang batas sa Pilipinas na may layuning na kilalanin ang Unibersidad ng Pilipinas bilang isang pambansang pamantasan. Ito ay mas kilala sa tawag na Batas na Kasulatan ng Pagkakatatag ng Unibersidad ng Pilipinas ng 2008 (University of the Philippines Charter of 2008).

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito maaaring magpunta sa link na ito:Sino ang makapagbigay ng utos ng republic act:https://brainly.ph/question/1583327

#LetsStudy