Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang 5 halimbawa ng Paguyam o irony.



Sagot :

Paguyam o irony/sarcasm

        Ang paguyam o irony/sarcasm ay isang uri ng tayutay na naglalayon na mangutya ng tao o bagay. Ang paraan ng pagsulat nito ay kakikitaan ng kapuripuring salita na tumutukoy sa kabalintunaan ng pahayag. Ginagamit ang tayutay na ito upang mapagaan ang pahayag sa taong sinasabihan.

Mga Halimbawa ng Paguyam o Irony/Sarcasm

  • Maputi ang suot mong damit kasing puti ng basahan.
  • Napasobra ang sipag ng serbidorang si Thelma sapagkat pagwawalis lamang ng harapan ng tindahan ang kayang gawin.
  • Ang ganda ng buhok ni Lea mukhang hindi nasuklay.
  • Pinakamatalino si Biday sa tatlong magkakapatid sapagkat siya lang ang umabot ng pitong taon sa kolehiyo.
  • Sa linis ng bahay ni Maria ay halos mapuno na ito ng alikabok.
  • Maganda si Alisa kung hindi pango ang ilong.
  • Sa bilis kumilos ni Hilda ay inabot ito ng tatlong oras sa kanyang paliligo at pagbibihis.
  • Masayang kasama si Marta sapagkat oo at hindi lamang ang alam nitong sabihin.
  • Napakabuting ina ni Lorena dahil sanggol pa lamang ang anak nito ay iniwan na.
  • Ang ganda ng iyong damit para kang ibuburol.
  • Sa lawak ng bahay ni Lily ay wala na itong mapaglagyan ng gamit.
  • Masarap ang lutong adobong manok ni Benie sapagkat parang nilaga ito sa toyo.
  • Magaling magturo ang gurong si Annie dahil isa hanggang sampu lamang ang alam ng mga mag-aaral nito.
  • Ang ganda ng langit nagbabadya ng malakas na ulan.
  • Ang tataba ng mga halaman ni Inday kaunting hangin lamang ay tutumba na.
  • Ang ganda ng katawan ng dalagang si Jenny parang lata ng sardinas.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tayutay na panguyam maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/552151

https://brainly.ph/question/1876194

https://brainly.ph/question/471681

#LearnWithBrainly