Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Ang erehe ay hango mula sa nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ay ang Noli Me Tangere. Mababasa ang salitang ito mula sa ikaapat na kabanata ng nobela. Ang salitang erehe ay ginamit upang tukuyin ang katangian ng katauhan ni Crisostomo Ibarra. Ang erehe ay nangangahulugan ng isang indibidwal na mayroong matibay na pansariling paniniwala.
Sa kaparehong kabanata ng nobela ay mababasa rin ang salitang subersibo. Ito ay tumutukoy sa isang indibidwal na walang nais sumunod sa batas, patakaran, o anumang pinag-uutos ng gobyerno. Ang salitang ito ay mayroong kaugnayan sa naunang nabanggit na salita. Ang parehong salita ay ginamit upang ilarawan ang katangian ni Crisostomo Ibarra.
Buod ng ikaapat na kabanata ng Noli Me Tangere: https://brainly.ph/question/2585434
#LearnWithBrainly