Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang katangian ng mga katutubo sa kabihasnang mesopotamia

Sagot :

  Maraming naiambag ang mga katutubo sa kabihasnang Mesopotamia sa kasaysayan ng mundo. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang ziggurat ay estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat.
2. Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kaunaunahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni
Haring Galgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong
siglo B.C.E. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad sa The
 Great Flood ng Bibliya.
3. Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang
Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng
282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng arawaraw na buhay sa
Mesopotamia.
4. Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay tinatawag na cuneiform.
5. Iba pang kontribusyon ay ang mga: water clock,  paggawa ng unang mapa
, sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa 60 at sa larangan ng astronomiya.

Dahil sa mga naiambag ng mga katutubong taga Mesopotamia, mahihinuha natin na ang mga ito ay hindi maparaan at matatalino kundi napakamahusay sa larangan ng sining at literatura.