Paano nakaimpluwensya ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pagunlad ng kabihasnang asyano? Ang pangkat etnolinggwistiko ay mga grupo ng isang bansa na may iisang wika, etnisidad, at kultura. Ang isang bansa ay binubuo ng iba't ibang pangkat etnolinggwistiko. Ang wika ang nagbubuklod sa tao upang sila ay magkaisa at magpahalaga sa kanilang kultura. Makikilala rin ang pangkat etnolinggwistiko sa kanilang tirahan. May mga pangkat na uplander na nakatira sa matataas na lugar o bundok. Mayroon ring mga lowlander na nakatira sa kapatagan o baybay dagat. Mas maraming lowlander dahil sa kapatagan o baybay dagat, nandito ang kabuhayan. Sa kabundukan, pinipilit nilang panatilihin ang kanilang kultura sa kabila ng kakapusan at hamon ng makabagong panahon.