IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Trivia Tungkol sa Linggo ng Wika
Ang trivia ay ang mga mahahalagang impormasyon na hindi alam ng karamihan. Ito ay ang mga nakakaaliw na katotohanan. Narito ang ilang trivia na patungkol sa Linggo ng Wika:
- Alam mo ba kung bakit tinatawag na Wikang Filipino ang Wikang Pilipino? Ang Pilipino ay nakabatay sa naging bigkas at baybay sa Pilipinas alinsunod sa abakadang Tagalog na may 20 na titik. Ngunit dahil may letrang F ang alpabetong Filipino, ginawang Filipino ang Pilipino.
- Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay pinasimulan ni Pangulong Sergio Osmeña sa pamamagitan ng isang proklamasyon na nakasulat sa Ingles noong ika-26 ng Marso, 1946. Pinamagatan itong "Designating the Period from March 27 to April 2 of Each Year National Language Week".
- Bakit pinalitan ang abakada ng alpabetong Filipino? Dahil napatunayan ng saliksik at mga pangyayari na hindi sapat ang abakada para sa pangangailangang nakasulat ng isang wikang pambansa. Dinagdagan ng titik ang lumang abakada upang mabilis na maging modernisado ang wikang Filipino at upang makahiram ng salita mula sa Ingles.
- Noong Setyembre 23, 1955 ay nagpasa si Pangulong Ramon Magsaysay ng proklamasyon patungkol sa pagbabago ng petsa ng Linggo ng Wika. Nakapaloob sa proklamasyon na gawin itong ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang parangal sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong Manuel Quezon.
Halimbawa ng tula sa Linggo ng Wika:
https://brainly.ph/question/210386
https://brainly.ph/question/212440
#BetterWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.