IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

panahon kung kailan naisulat ang tanka

Sagot :

Ang sagot sa tanong ay ikawalong siglo. Ang panahon kung kailan naisulat ang tanka ay noong ikawalong siglo. Ang tanka ay pinahahalagahan sa kultura ng mga Hapon. Ito ay dahil ito ay isa sa mga pinakauna at pinakamatandang anyo ng pagsulat ng tula sa bansang Japan. Ang tanka ay gumagamit ng mga kaunting salita lamang.

Kasaysayan ng Tanka

  • Kagaya ng tulang haiku, ang tanka ay isa sa mga pinakauna at pinakamatandang anyo ng tula sa Japan.
  • Sa katunayan, noon pang ikawalong siglo nang unang naisulat ang tanka.
  • Dahil dito, ang tanka ay talaga namang pinahahalagahan sa kultura ng mga Hapon.

Paliwanag ukol sa Tanka

Narito ang tatlong bagay na kailangang malaman tungkol sa tanka:

  1. Ang paksa ng tanka ay karaniwang tungkol sa emosyon at damdamin, kagaya ng pag-ibig at pag-iisa.
  2. Ang tanka ay may limang taludtod lamang. Ang tatlo sa mga taludtod nito ay may sukat na 7 at dalawa naman sa mga taludtod nito ay may sukat na 5.
  3. Samakatuwid, ang buong bilang ng sukat ng tanka ay 31.

Iyan ang mga detalye tungkol sa tanka na unang naisulat noong ikawalong siglo. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Halimbawa ng tanka: https://brainly.ph/question/877500 at https://brainly.ph/question/936359
  • Iba pang paliwanag tungkol sa tanka: https://brainly.ph/question/47965