IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Ano ang mga tradisyon at kultura ng Malaysia (tagalog version)

Sagot :

Malaysia:

Ang mga tradisyon at kultura ng Malaysia ay batay sa paniniwala na malaki ang papel na kanilang ginagampanan dito sa mundo. Ang kanilang kultura ay may malaking pagkakahawig sa teoryang eksistensyalismo. Ang paniniwalang ito ay tinatawag nilang baitang ng buhay na binubuo ng apat na bahagi. Ang bawat baiting ay may simbolong kalakip at tiyak na pagdadaanan ng bawat Muslim o Malay.

Baitang ng Buhay:

  1. Pagsilang
  2. Pagtanda
  3. Pagkamatay

Ang pagsilang ang unang baitang ng buhay. Naniniwala ang mga Malay na ang lahat ay nagmula sa pagiging patay na pinagkalooban ni Allah ng buhay. Sa buhay na ito, dapat nilang sundin ang kagustuhan ni Allah. Ang bawat Malay ay ginawa ni Allah upang mabuhay ng mapayapa. Ang kanilang buhay ay ipinagkaloob sa kanila upang mahalin at sambahin si Allah. Hindi sila dapat na mawalan ng lakas ng loob dahil nariyan si Allah na nagbabantay at nagmamahal sa kanila ng lubos.

Ang pagtanda ang ikalawang baitang ng buhay. Ganap ng buhay ang mga tao at makakaranas ng iba't ibang uri ng paghihirap. Sa panahon ding ito makadarama ng iba’t ibang uri ng emosyon: malungkot, masaya, sakit, taot, at tuwa. Sa kabila nito, kinakailangan na sundin ang mga tagubilin ni Allah. Kinakailangan na mamuhay ng masaya at payapa.

Ang pagkamatay ang ikatlong baiting ng buhay. Ang lahat ng tao ay mamamatay at makakaranas ng buhay na walang hanggan. Ang kamatayan ang pinakamasakit at mapait na hantungan ng tao ayon sa mga Malay. Matapos ang buhay dito sa mundo, ang lahat ay maglalaho sa dilim. Sa panahon na ito wala ng kahirapan, sakit, at kalungkutan. Ang tao ay babalik na sa piling ni Allah.

Kabilang sa mga tradisyon ng mga Malay ang pagpapaligo at pagbabalot ng patay sa isang balabal upang maging presentable ito sa pagharap kay Allah. Kaakibat nito, kinakailangan na mailibing ang yumao sa loob ng 24 oras kasabay na nagawa na rin ang mga kinakailangang ritwal maging ang pagdadamit dito ng puting saplot. Kinakailangan na ang yumao ay madasalan ng isang Imam bilang bahagi ng paghahamda sa pagharap niya kay Allah. Matapos ng dasal ay kailangan na mailibing na ang bangkay ng nakabalot sa puting tela. Kadalasan ang hukay ng libingan ng isang Muslim ay hugis titik L. Bago ipasok ang bangkay sa hukay na mistulang kuweba ay aalisin ang saplot sa kanyang ulo at saka ihihiga ng patagilid at nakahalik ang mukha sa lupa katulad sa pagdarasal ng mga Muslim. Dapat rin ay nakaharap sa Mecca ang bangkay at ito ay palaging nakaturo sa lugar na kung saan lumulubog ang araw o sa gawing kanluran.  

Upang higit na makilala ang bansang Malaysia, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/200533

https://brainly.ph/question/357470

https://brainly.ph/question/802098