Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Ang kahulugan ng Neolitiko ay ito: Ang Neolitiko ay ang huling bahagi ng Panahon ng Bato. Ito ay ang bahagi ng Panahong Bato bago ang Panahong Metal. Ito ay ang panahon kung kailan ang mga taong prehistoriko ay nag-iwan ng mga kasangkapang bato na kininis. Ang Panahong Neolitiko ay may iba't ibang katangian na mababasa sa ibaba.
Kahulugan ng Neolitiko
- Ang Neolitiko ay ang bahagi ng ebolusyong kultural kung saan ang mga taong prehistoriko ay nag-iwan ng mga kasangkapang bato na kininis.
- Ang Neolitiko ay ang huling bahagi ng Panahon ng Bato bago ang Panahon ng Metal.
- Ang neolitiko ay mula sa dalawang salitang Griyego na "naios" na ang ibig sabihin ay bago, at "lithos" na ang ibig sabihin naman ay bato.
Pamantayan ng Neolitiko
Mayroong tatlong pamantayan sa Panahon ng Neolitiko. Ito ay ang mga sumusunod:
- Kininis na mga kasangkapan na yari sa bato
- Pagpapalayok at agrikultura
- Pag-dodomestika ng mga hayop kagaya ng kabayo at baka
Iba pang Katangian ng Neolitiko
Bukod sa tatlong pamantayan sa itaas, narito pa ang mga katangian ng Neolitiko:
- pagkakaroon ng kasanayan sa paghahabi
- pananatili ng tao sa pamayanan dahil sa pagtatanim o pagsasaka
- pagsisimula ng konsepto ng palengke at paggamit ng buto ng cacao para pambili sa palengke
Iyan ang mga detalye at kahulugan ng Neolitiko. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Iba pang kahulugan ng Neolitiko: https://brainly.ph/question/155360
- Ano ang panahon ng Neolitiko? https://brainly.ph/question/48788 at https://brainly.ph/question/943723
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.