Ang kapatagan ay isang patag at malawak na lupa. Madali itong paunlarin at mainam ito sa pagsasaka, pagtatayo ng mga kabahayan, pagtatayo ng mga paaralan at sa mga pangangalakal.
Ang rehiyon ng Gitnang Luzon ang pinakamalaki at pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas. Ang rehiyon ng Gitnang Luzon ay binubuo ng pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas at ang gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay binansagang" Rice Bowl of the Philippines". Ang mga lalawigan bumubuo dito ay ang Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at ang Zambales.