Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat. Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Matatagpuan sila sa Cordillera Administrative Region (CAR).